sa likod ng tabing

January 30, 2009

Photogs at Work

Filed under: blast from the past, photogs — remzamora @ 1:59 pm

20041203-img_8978

Photojournalists I was with during a typhoon and landslide coverage in Nueva Ecija and Aurora, december of 2004.

(Ed Gumban – Philippine Star, Bobby Ranoco – Reuters, Joel Nito – AFP, Rolex Dela Pena – EPA, and Aaron Favila – AP)

Kaka-miss mag shoot ng totoong shoot ah :)

January 27, 2009

To Be a Kid Once Again

Filed under: blast from the past, daily life — remzamora @ 2:10 pm

20080401-_em_2169

Kids from Sumilao, Bukidnon enjoy the morning sun.

Aaah to be once more a kid. To enjoy the simplicity of everyday life.

***photo taken April 1, 2008 while covering the Sumilao farmers***

August 21, 2008

Da Wuds

Filed under: blast from the past, daily life — Tags: , , , , — remzamora @ 11:36 pm
Bobby Balingit

Bobby Balingit

Bobby Balingit, lead guitarist and vocalist of the Pinoy Punk group The Wuds. Photo taken January 29, 2006 during a concert at the Luneta Park, Manila. Balingit performed with his other group Juan Isip. I don’t think the band still exists. The Wuds does and I heard they recently celebrated their 25th anniversary last July 13 with a concert at the Paco Park in Manila. Too bad I wasn’t able to go.

The Wuds has been one of the most influential group for me whom me and my friends discovered during our high school years in the province while listening to LA Rock 105.9FM. I had tapes of At Nakalimutan ang Dyos album and Oplan Kahon album where you can find Inosente Lang ang Nagtataka which was recently revived by Rivermaya. But I don’t know where my tapes are now. I think somebody borrowed it but never returned the tapes.

The songs of the Wuds opened my eyes to the complexities and realities of life. Harsh words for the uninitiated but speaks of the truth. Simple but intellectual.

Punks not dead!

One of my favorite song of The Wuds:

“Sayang ang Oras”


sayang ang oras…

sayang ang oras…

sayang ang oras…

sayang ang oras…


binuksan ko ang tv at nanood ng ilang oras

pinunan ko ang kakulangan sa hanap kong kaligayahan

nang isara ko ang tv at mapagod ng hindi nasiyahan

nasan na ang kakulangan sa hanap kong kaligayahan


sa araw araw ay laging ganito

nagugulo na ang isipan

di na makita ang hinahanap

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko


sayang lang ang oras ng aking paghahanap

at ang bawat sandali ay kayang magwasak

ng mundo man at kahit saan at sa anumang nilalang

ng mundo man at kahit saan at sa anumang nilalang


sa araw araw ay laging ganito

nagugulo na ang isipan

di na makita ang hinahanap

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko


bawat piraso ay nalaglag… bawat piraso ay nasunog… bawat piraso ay nawala

bawat piraso ay nalaglag… bawat piraso ay nasunog… bawat piraso ay nawala

bawat piraso ay nalaglag… bawat piraso ay nasunog… bawat piraso ay nawala


sayang lang ang oras ng aking paghahanap

at ang bawat sandali ay kayang magwasak

ng mundo man at kahit saan at sa anumang nilalang

ng mundo man at kahit saan at sa anumang nilalang


sa araw araw ay laging ganito

nagugulo na ang isipan

di na makita ang hinahanap

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

kahit sa tv o sa radyo…   sa mga tao sa paligid ko

February 14, 2008

Araw ng mga Puso

Filed under: blast from the past, daily life, paborito — Tags: , , , , , , — remzamora @ 8:53 am

 valentine’s day

Maligayang araw ng mga puso sa lahat!

Isang pagbabalik-tanaw sa mga bagay bagay na nagdulot ng ligaya, saya, kalungkutan, luha, paghihinagpis, sarap, pag-asa, at marami pang iba. Ang pag-ibig nga naman…

Larawan ay kuha noong Pebrero ng 2006 sa dalampasigan ng Maynila.

Nawa sa araw na ito at sa mga susunod pa ay maging maligaya, sapat at kuntento tayo sa piling ng mga taong minamahal  at lalo pang mamahalin natin.

October 26, 2007

Malaya na raw!

erap guilty

Wala pang dalawang buwan nang aking litratuhan si Erap habang lumalabas sa Sandiganbayan kasama ang kanyang pamilya. Makikita ang kawalang-katiyakan sa mga mata ng bawat kasapi ng pamilya. Kabababa pa lang ng hatol ng korte. Guilty raw si Erap. Habang buhay na pagkakulong. Marami ang natuwa. Marami ang naniwala na may hustisya pa pala sa Pilipinas.

Subalit kanina, nabalitaan ko na binigyan pala si Erap ng pardon ni Gloria. Akalain mo nga naman. Pambihira. Onli in da Pilipins talaga! Punyet@!

2001 nang sumabak ang libo-libong tao sa Edsa upang patalsikin si Erap sa kanyang pwesto. Kasama ako roon. Estudyante pa lamang at puno ng pag-asa. Pag-asa na sa pagpapatalsik sa kurap na administrasyon ay may magandang maidudulot ito sa Pilipinas. 

Kaya naman pagkalipas ng anim na taon, umasa ako na may magandang kinahinatnan ang pagsabak namin noon sa Edsa. Pero anong nangyari? Tila baga wala na talagang pag-asang dapat asahan ang mga Pilipino. Ang dating nakaupo sa Malanayang na pinatalsik ng tao at nahatulan ng guilty ng korte, ngayon ay pinalaya ng isang huwad na pangulo na walang ginawa kundi ilagay sa pwesto ang mga taong ka-alyado nya upang pagtagpan ang mga katiwaliang kanya ring ginawa at patuloy na ginagawa. 

Pinuna natin noon ang midnight cabinet, ang boracay mansion, ang jueteng scandal, ang BW scam, ang eksena sa casino, ang paniniil sa mga kasapi ng media tulad ng pag pull out ng advertisers sa Philippine Daily Inquirer at ang pagsarado ng Manila Times, ang maraming bagay na nagtulak sa atin sa Edsa. 

Hindi ba natin nakikita na umuulit lamang ang kurapsyon sa gobyerno , kundi man ito mas malala pa sa dati. Nariyan ang Hello Garci scandal, ang Carlos Garcia-AFP corruption (na nagdulot ng maraming kamatayan sa mga bayaning sundalo natin habang ang mga heneral ay nagpapakasarap sa kanilang mga pwesto), ang isyu sa GSIS, ang pandarayang ginawa ni Bedol at ng kanyang kaalyado sa Mindanao, ang patuloy na pagkawala at pagkamatay ng mga taong bumabatikos sa gobyerno, ang NBN deal, ang pagkakadawit ni Miguel Arroyo sa kurapsyon sa Customs, ang  overpriced na Macapagal Boulevard, ang pamumudmod ng salapi sa ilang pulitiko sa loob pa mismo ng Malakanyang.

Napakarami pang nangyayari. Magbubulagbulagan na lamang ba tayo? Mananatili na lamang ba tayong tahimik sa ating kinauupuan?

Malaya na raw si Erap. Malaya na rin kaya ang Pilipinas? Ikaw? Malaya ka rin ba?

Marahil wala na nga tayong dapat asahang bukang liwayway para sa mahal nating Pilipinas. Siguro hindi ngayon. Siguro hindi sa aking panahon.

Bukas may pag-asa. Bukas may liwanag. Bukas sisikat ang araw.

Subalit… hindi ngayon.  

Older Posts »

Blog at WordPress.com.